Advertisers
DALAWANG miyembro ng New People Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Davao City.
Kinilala ang mga napatay na sina Archie Sagan-a alias “Bogard”, team leader, baking squad, sa Tersera ng Sitio Saluruyan, Barangay Sto. Domingo, San Fernando, Bukidnon; at Ryan Ligkat alias “Ryan”, squad leader, ng Tersera ng Sitio Peroy, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao Del Norte.
Ayon kay 1Lt Gen Adrian Gautane, spokesman ng 27th Infantry Battalion, 9:40 ng umaga nang maka engkwentro ng mga elemento ng 27th IB at 89th Infantry Battalion ang grupo ng mga rebelde sa Sitio Lower Mapula, Brgy Mapula, Paquibato District, Davao City.
Dinala ng mga sundalo ang labi ng 2 rebelde upang mabigyan ng maayos na libing.
Patuloy pang tintugis ng militar ang mga tumakas na kasamahan ng mga mga nasawi. (Mark Obleada)