Advertisers

Advertisers

Ilang binaha sa Rizal ilang gabi nang natutulog sa kalye sa San Mateo

0 263

Advertisers

NAGMISTULANG evacuation site ang isang bangketa sa J.P. Rizal Street kungsaan natutulog ang ilang residente ng Barangay Banaba sa San Mateo, Rizal.
Apat na araw nang nagpapalipas ng gabi sa kalsada ang ilang residente matapos malubog sa baha na may dalang putik at mawalan ng kuryente ang kanilang mga bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Isa rito si Ahmad Campong na walang naisalba nang mabaha ang lahat ng gamit ng kaniyang pamilya.
“Sa ngayon, hindi pa po maayos ‘yong daanan papasok sa amin dahil ‘yong putik ay hanggang tuhod. Maliban sa mga suot namin, ‘yon lang naisalba. Lahat ng gamit namin nabaha talaga,” ani Campong.
Ayon kay Bobet Jacinto, disaster officer ng barangay, may mga nagtitiyagang matulog sa kalsada dahil puno na ang 3 evacuation centers sa kanilang lugar.
Nasa 300 pamilya ang sumisilong ngayon sa mga evacuation center, kungsaan hirap nang ipatupad ang physical distancing na pag-iingat laban sa banta ng COVID-19.
Sa kalsada din muna tumutuloy ang pamilya Saurale dahil sa takot na makakuha ng sakit sa evacuation site.
Tila ilang linggo pa ang aabutin bago tuluyang malinis ng mga taga-Bgy. Banaba ang kanilang mga bahay at matirhan muli.
Hiling ng mga taga-Banaba ang hygiene kits, kumot, banig, pagkain, at pampaayos ng mga bahay.