Advertisers

Advertisers

2 Dayuhan timbog sa money laudering at cybercrime

0 5

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa dalawang dayuhan mula taiwan at South Korea na nahaharap sa deportasyon dahil sa sa pagiging wanted sa iba’t-ibang kaso sa kanilang bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto ang dalawang dayuhan sa magkahiwalay na operasyon sa Makati at Parañaque ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU) na si Taiwanese national na si Li Ming Hsiu, 44, at South Korean na si Joo Han Wong, 39.

Sina Jo at Li ay ibabalik sa kanilang bansa kung saan sila wanted ng awtoridad upang harapin ang kanilang kaso at maituturing na blacklisted upang maiwasan na muli silang makapasok sa bansa.



Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, ai Liu ay wanted sa Taiwan dahil sa paglabag sa money laundering act na miyembro ng isang sindikato na sangkot sa large-scale money laundering at nakapangloko sa kanyang mga biktima ng mahigit P78 billion.

Nagpalabas naman ng warrant of arrest ang Seoul Dongbu District dahil sa pagkakasangkot nito sa cybercrime activities kung saan gumawa sila ng isang computer program upang makapang-hack at makakuha ng personal na impormasyon sa mahigit 66,500 personal messaging application accounts at saka nila ibinebenta sa third party. (Jocelyn Domenden)