Advertisers

Advertisers

Pinoy timbog sa pagtatanim ng ‘spy camera’ sa banyo ng cruise ship

0 9

Advertisers

Inaresto ang 34-anyos na Pinoy cruise ship worker, na nagtatago ng mga camera upang tiktikan ang mga bisita sa Port Everglades sa Fort Lauderdale Florida.

Kinilala ang naaresto na si Arvin Joseph Mirasol, isang stateroom attendant sa Symphony of the Seas ng Royal Caribbean.

Sa ulat, naglalagay si Mirasol ng mga nakatagong camera sa isang banyo at tina-target ang mga bisita partikular na ang mga batang babae.



Natuklasan din ng mga awtoridad ang mga video ng mga hubad na babae na naghuhubad sa banyo at mga child porn video na naka-save sa kaniyang USB stick.

Nakakita rin ang mga awtoridad ng mga video na nagpapakita ng pag-install ni Mirasol ng camera sa banyo ng isang bisita.

Inamin naman ng Pinoy cruise worker ang kaniyang pagkahumaling sa pag-espiya, na tinatarget ang mga bisita partikular na ang mga batang babae.