Advertisers

Advertisers

Viral: Kaibigan ng guro nag-live sa TikTok habang tinatalakan mga estudyante

0 21

Advertisers

VIRAL ang video ng isang guro na may username “Serendipitylover” sa TikTok nang i-live ang sermon at pagsigaw nito sa kanyang mga estudyante na tinawag niya pang “walang mararating sa buhay”.

Dumipensa naman ang kaibigan ng isang guro na pinapagalitan ang kanyang mga estudyante habang naka-live ito sa kanyang TikTok account.

Ayon sa isang X user na kaibigan ng guro, bago pa raw mag-viral ang video ay nakikita na niya ang mga post nito.



“She’s a friend of mine & before this video I saw her posts about the injustice of public schools. Filipino major siya & binigyan siya ng maraming workloads & hindi niya major. Somehow, I have the reference of how she dealt w/ everything. The least thing we could do is to be kind,” saad niya.

Sinabi niya rin na nakita niya kung paano natuto ang guro sa kanyang pagkakamali.

“Despite the fact na hindi maganda ‘yung choice of words niya and how she loses control of her feelings and emotions. She needs proper guidance and accountability. I could see her na she learned her lesson. Totoo lang grabe din talaga bata ngayon and I could attest to that,”

Nag-viral ang guro nang pagsalitaan niya ng hindi magaganda ang kanyang mga estudyante.

Naimbiyerna sa kanya ang netizens dahil sa pagsabi nito ng mga salita kagaya ng, “Hindi na nga kayo matalino. Masama pa ugali niyo. Wala kayong mararating. Wala kayong lugar sa mundo!”



Sa ngayon, naka-private na ang account ng guro at hindi pa tukoy kung saan itong paaralan nagtuturo.

Samantala, iimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang viral video.

Sa isang ulat nitong Sabado, Marso 16, inihayag ni DepEd Deputy Spokesperson at Assistant Secretary Francis Bringas sa isang Viber message na “vine-verify” na nila ang viral video ng guro.