Advertisers

Advertisers

Pinoy kulong sa pag-hijack ng kotse

0 5

Advertisers

Inaresto ang 32-anyos na Pinoy ng Honolulu Police nang tangkaing mang-hijack ng kotse sa lugar ng Ala Moana at magdulot ng kaguluhan sa kalsada noong Linggo.

Ayon sa arrest log ng Honolulu Police Department, ang suspek na si Travis Coloma may ilan nang nakabinbing mga kaso at arrest warrant.

Nahaharap ngayon ang suspek sa maraming kaso na nagmula sa insidente noong Linggo kabilang na ang carjacking, reckless driving at resisting arrest.



Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya si Coloma.