Advertisers

Advertisers

Ex-NPA may patong ng ulo na P2m timbog sa Bukidnon

0 237

Advertisers

NADAKIP ang isang dating opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanyang bahay sa Barangay Sagundanon, Kitaotao, Bukidnon.
Natunton ng militar at pulisya ang pinagtataguan ng dating CPP-NPA Western Mindanao Party Committee intelligence officer at secretary general ng Front Committee Kara na si Marcos Requina alyas Tomas, 60, residente sa lugar.
Inihayag ni 403rd Infantry Battalion, Philippine Army commander B/Gen. Ferdinand Barandon na inaresto ng AFP Eastern Mindanao Command personnel si Requina dahil sa kasong murder na nakabinbin sa Regional Trial Court Branch 38 sa Pagadian City.
Inihayag ni Barandon na si Requina ay ika-23 most wanted rebel na ipinag-utos ng Department of National Defense at DILG na arestuhin na may katumbas na malaking pabuya.
Si Requina ay mayroong P2 milyon patong sa ulo kapalit ng kanyang pagkakadakip.
Natuklasan na 2015 pa inactive ang suspek subali’t huli itong nakipag-ugnayan sa Platoon Medic ng Guerrilla Front 53 ng Southern Mindanao regional committee.