Advertisers
Dead on the spot ang isang taxi driver nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga salarin na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, Lunes ng umaga.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, kaagad binawian ng buhay sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa katawan ang biktimang si alytas “Ricky”, 44, taxi driver.
Sa imbestigasyon nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Allan Bermejo, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong taxi habang binabagtas ang kahabaan ng Waling-Waling Road, Brgy. Potrero.
Pagsapit sa kanto ng Industrial Road sa nasabing barangay 10:40 ng umaga, pinagbabaril ng mga salarin na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksyon habang kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon PNP subali’t nabigo sila na maaresto ang mga salarin.
Ayon kay Col. Baybayan, posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang motibo sa insidente dahil nasangkot na umano sa kaso ng illegal na droga ang biktima sa San Mateo Rizal noong 2017 at 2020 at may nakuha rin umanong drug paraphernalias at weighing scale sa loob ng kanyang taxi.
Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga salarin.(Beth Samson)