Advertisers
Nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng P2.4 milyon sa dalawang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Iloulo city nitong Huwebes, Abril 4.
Kinilala ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang mga suspek na sina Melchor Mitsilina Tayco, alyas Angwa, at Efren Tayco Diaz, alyas Toko.
Ang 68-anyos na si Tayco at 35-anyos na si Diaz inaresto ng ICPO City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa ilalim ni Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr.
Nakuha sa mga suspek ang 120 gramo ng shabu.
Sinabi ni Police Major Shella Mae Sangrines, tagapagsalita ng ICPO, sina Tayco at Diaz, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.