Advertisers

Advertisers

Senior citizen tinarakan sa away sa parking

0 3

Advertisers

Todas ang isang senior citizen nang saksakin ng miyembro ng civilian volunteer organization (CVO) sa isang lamayan sa Barangay Puelay, Villasis, Pangasinan nitong Huwebes ng madaling araw, April 4.

Ayon sa Villasis Police Station (VPS) ang biktima 61-anyos, habang ang CVO na suspek 47-anyos, na parehong taga nasabing barangay.

Ayon sa VPS, bago ang insidente sinabihan ng suspek ang biktima na itabi ang kanyang tricycle dahil nakaharang ito sa daan.



Dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa binunot ng CVO ang kanyang patalim sa kanyang baywang at tinarakan ang 61-anyos na biktima sa dibdib.

Matapos ang pananaksak, agad na tumakas ang suspek habang ang biktima dead-on-arrival sa Ordoñez Medical Hospital sa Villasis.