Advertisers

Advertisers

Guro problemado sa pera, nagpakamatay

0 11

Advertisers

NASAWI ang isang guro nang magpatiwakal sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Justin Willard Bola, 29 anyos, residente ng Barangay Zone 1 Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, bago ang insidente nagpadala ng mensahe ang biktima sa live-in partner na si Michelle Valdez, 28, patungkol sa kanyang planong pagpapatiwakal dahil sa umano’y pinansyal na problema.



Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na kaagad namang tinawagan ni Valdez ang landlady ng tinitirhan na boarding house ng biktima upang alamin ang sitwasyon ni Bola.

Agad namang binuksan ng landlady ang kuwarto na inuukopa ng biktima at nakita na sumusuka ito ng dugo.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Lumalabas naman na ang dahilan ng kamatayan ng biktima ay ang pag-inom ng lason.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">