Advertisers

Advertisers

Libreng bakuna kontra HPV, inilunsad ng Caloocan LGU

0 2

Advertisers

Naglunsad ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng libreng programa sa pagbabakuna laban sa iba’t-ibang uri ng human papillomavirus (HPV) upang palakasin ang kaligtasan sa sakit ng mga teenage girls at immunocompromised na tao laban sa mga impeksyon at komplikasyon na dala ng nasabing virus.



Ang mga impeksyon sa HPV, karaniwang naililipat dahil sa pakikipagtalik sa isang taong nahawahan. Kasama sa mga karaniwang sintomas ang genital at anal warts, ngunit sa mga bihirang kaso, maraming uri ng kanser ang maaaring lumitaw, lalo na ang cervical cancer sa mga kababaihan.

Pinuri ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pagsisikap ng City Health Department sa pangunguna sa programa at kinilala ang kahalagahan ng pagsisimula ng inoculation ng mga kabataan na may edad 9 hanggang 14 na taong gulang upang magkaroon ng mas magandang pagkakataon na labanan ang impeksyon sa viral sa bandang huli ng buhay.

“Maraming-maraming salamat po sa CHD para sa pagsusulong ng programa na ito upang matiyak ang kalusugan ng mga kabataan,” wika ni Mayor Along.

“Sa mga magulang po, mainam po na habang bata ay makapagpabakuna na ang ating mga anak upang lumakas pa ang kanilang resistensya laban sa HPV. hayaang lumala,” dagdag ni Malapitan.

Inulit din ni Mayor Along ang kanyang pagtitiyak sa kanyang mga nasasakupan na ang mga bakuna ay pinag-aaralan, ginagawa, at kinumpirma na ligtas ng mga eksperto.

“Ligtas po ang mga bakuna para sa mga Batang Kankaloo, batay na rin po sa masusing pag-aaral ng mga eksperto. Lagi po nating sisiguraduhin ang kapakanan ng mga Batang Kankaloo sa pagpapatupad ng ating mga proyekto at programa,” pahayag ni Mayor Along.

Ipinaalala rin ng pamahalaang lungsod na ang bakuna ay may dalawang dosis na ibibigay sa pagitan ng anim na buwan at ang mga menor de edad ay nangangailangan ng pahintulot ng magulang bago matanggap ang nasabing bakuna.(BR)