Advertisers
NADAKIP ang lider ng isang grupo ng mga drug pusher at ilang miyembro nito ang naaresto sa buy bust operation sa Barangay Salinas 2, Bacoor, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas “Emily”, 37 anyos, lider ng Velasco Group; mga miyembrong sina alyas “Warly”, 40; alyas “Edwin”, 43; at alyas “Randy’’ 42, mga residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report, 12:30 ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation na tinawag ‘Oplan Quennie’ ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station, Drug Enforcement Unit sa Virgo St., ng naturang lugar at nadakip ang mga suspek.
Napag-alaman na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) ang mga naaresto. Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga ito ang tinatayang nasa 6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000, cellphone at buybust money na ginamit sa nasabing operasyon.
Nasa kustodiya ngayon ng Bacoor City Custodian Facility ang mga suspek.