Advertisers

Advertisers

Aplikante ng PNP timbog sa kotong sa aplikante ng PCG

0 13

Advertisers

ARESTADO ang 23-anyos na aplikante sa pagpupulis nang aktong tanggapin ang P30,000 na hiningi niya sa isang babaeng aplikante sa Philippine Coast Guard (PCG) sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Southern District Field Unit (CIDG-SDFU) sa Parañaque City.



Kinilala ang dinakip sa alyas “Lowell”, 32 anyos, Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Philippine National Police at aplikante sa PNP-Police Community Affairs and Development Group (PCADG), at residente ng Mandaluyong City.

Sa ulat ng CIDG-SDFU, nakipagkita ang 32-anyos na biktima kay Lowell 9:30 ng gabi ng Abril 5, 2024 sa loob ng milktea shop.

Lingid kay Lowell, kasama na ng biktima ang mga tauhan ng pulisya na nakasaksi sa pagtanggap sa P30,000 na hiningi niya sa biktima.

Bago ito, isa sa dalawang nabiktima ang nagpasaklolo sa Intelligence Office ng PCG matapos siyang muling tawagan ng suspek para sa panibagong P30,000.00. Una na umano siyang nagbigay ng kaparehong halaga kaya nagpasiyang isuplong ang suspek.

Ayon sa ulat, inamin ni Lowell na hinihingan niya ng “processing fee” ang dalawang biktima na kakilala naman niya kaya gustong matulungan, subalit hindi naman aniya pa tiyak ang slot.

Katwiran pa niya, wala siyang ipinangakong literal na slot, kundi ilalakad o ipakikiusap palang niya ang dalawa sa PCG at hindi pa iyong garantiya na makakapasok ang mga biktima.

Nakapiit na sa custodial facility ng CIDG-SDFU ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Article 315, Estafa.