Advertisers
NAUWI sa malagim na kamatayan ang sinapit ng isang misis sa kamay ng kanyang mister, na nagpakamatay din, nang magtalo habang papauwi ng kanilang bahay galing sa pamimili sa palengke sakay ng isang owner type jeep Sabado ng umaga, April 6, 2024, sa Barangay Balagbag, Cuenca, Batangas.
Kinilala ang misis na si Elsa Mendaña, at ang salarin ay ang kanyang mister na si “Candido, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Balagbag.
Base sa salaysay ng mga nakakita sa pangyayari, bumaba ng sasakyan ang misis at nagtatakbo, nagsisigaw na humihingi ng tulong: “Tulongan ninyo ako papatayin ako ng asawa ko”.
Naabotan ang misis ng kanyang mister at pinagbabaril.
Nagtamo ang misis ng mga tana sa likod ng kalibre .45 na baril.
Nang makitang bumagsak ang misis, nagbaril din sa ulo ang mister na agad din binawian ng buhay. (KOI LAURA)