Advertisers
MASAYA ang tribong Blaan at T’boli sa South Cotabato sa pagpapawalang sala ng Ombudsman sa isang popular na tribal leader sa probinsya sa mga paratang na katiwalian ng ilang nais siyang mapalitan ng kanilang mga gustong maging representatibo sa municipal council sa kanilang bayan.
Sa ulat nitong Lunes, inilabas ng February 26, 2024 ng Ombudsman ang desisyong walang katotohanan ang mga akusasyong corruption na ihinain laban kay Domingo Collado ng ilang Blaan na may kanya-kanyang nais na pumalit sa kanya bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative sa Sangguniang Bayan ng Tampakan sa South Cotabato.
May mga kanya-kanyang nais na ipalit kay Collado sa pagiging appointed na IPMR ang mga naghain ng kung ano-anong reklamong katiwalian kaugnay ng kanyang paghawak ng pondo para sa 2019 indigenous communities festival sa kanilang bayan, na ibinasura ng Ombudsman sa pamamagitan ng resolution ni Graft Investigation and Prosecution Officer Jay Visto, ng napatunayang walang katotohanan, lahat gawa-gawa lang.
Nagpahayag ng kagalakan ang mga Blaan at T’boli tribal leaders sa South Cotabato at sa mga bayan sa probinsya ng Sultan Kudarat at Sarangani, kabilang sa kanila si T’boli chieftain Edmund Ugal at at ilang mga Teduray timuay sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, sa pagpawalang sala ng Ombudsman kay Collado.