Advertisers

Advertisers

Higit P.6m nakumpiska sa 2 tulak sa Pasay

0 2

Advertisers

Inaresto ang dalawang drug suspect kabilang ang isang menor de edad nang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P.6 million sa isang buy-bust operation sa Pasay City nitong Lunes.

Kinilala ang mga suspect na alias Ata, 16 at alias Ced, 20-anyos, nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Sa report na isinumite sa Southern Police District (SPD), 5:00 ng hapon nang madakip ang mga suspect sa Celeredad Street, Barangay 111, Pasay City.



Nakumpiska sa mga suspect ang 100 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit sa P.6 million.(Gaynor Bonilla)