Advertisers

Advertisers

Lalaki kulong sa pagpatay ng kuting sa Makati

0 4

Advertisers

PINAGPAPALO hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang isang kuting sa Barangay Olympia, Makati City noong Linggo (Abril 7).

Sa in-upload na nag-viral na video sa social media, makikita ang kaawa-awang kuting na nag-iiyak habang hinahataw ng isang matandang lalaki hanggang sa mawalan na ito ng buhay.

Kuha ang naturang video ng uploader sa social media na si Zielfa Jesura na kapitbahay ng lalaking nasa video.



Ayon kay Jesura, narinig niya na may umiiyak na pusa at nang kanyang puntahan nakita niya ang lalaki na pinagpapalo ang kaawa-awang kuting hanggang sa mamatay ito.

Nakita pa niya ang naturang lalaki na kumuha ng basurahan na pinaglagyan nito ng wala nang buhay na katawan ng kuting.

“Akala ko po kung ano ‘yung inaano niya sa damuhan. Yun pala po ‘yung pusa nakita ko nag-iiyak. Bigla po akong napatakbo, pinagpapalo na po pala niya,” ani pa ni Jesura.

Agad namang humingi ng tulong sa barangay si Jesura na nagresulta ng pagkakaaresto ng naturang lalaki.

Depensa naman ng matandang lalaki, wala siyang planong patayin ang kuting na kanya lamang pinapaalis sa kanyang balkonahe ngunit ng kanya itong lapitan bigla siyang aktong kakalmutin na muntikanan nang tamaan ang kanyang mata.



Dagdag pa ng lalaki, nagdilim ang kanyang paningin kung kaya’t kanya itong nahataw hanggang sa mapatay niya ito.

“Gusto ko lang talagang paalisin. Hindi ko talaga gustong patayin ‘yung hayop na ‘yun. Kaya lang, wala akong magagawa. Biglang parang kinalmot. Muntik na kong tamaan sa mata e. Kaya nag-blackout na ako,” ani ng matandang lalaki.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police ang matandang lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998 sa Makati City Prosecutor’s Office.