Advertisers

Advertisers

2 senglot na motorista todas sa bangga

0 8

Advertisers

NASAWI ang dalawang lasing na magkaangkas sa motorsiklo at malubha ang isang kasama nang masapol ng kanilang motorsiklo ang gilid ng isang truck sa bahagi ng highway sa Barangay Katangawan, General Santos City, Sabado ng gabi, April 13, 2024.

Sa ulat ng General Santos City Police Office, agad pumanaw sanhi ng aksidente sina Greggie Buan at Joshua Manguday.

Malubhang nasaktan sa naturang aksidente ang isa pa nilang kasama na si Arnold Sumali.



Ayon sa barangay officials na nagresponde sa aksidente, lasing ang tatlong biktima mula sa isang kasiyahan at pauwi na nang madisgrasya.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang driver ng truck na sangkot sa aksidente na si Rolando Aguas, na ngayo’y nasa kustodiya ng General Santos CPO.