Advertisers
NASABAT ng pulisya ang tone-toneladang shabu na nagkakahalaga ng P13.3 billion, at nadakip ang 47-anyos na lalaki sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang naaresto na si Ajalon Michael Zarate, ng Project 4, Masagana, Quezon City.
Sa report, 9:10 ng umaga nang sitahin ng mga elemento ng Alitagtag Municipal Police Station ang isang kulay silver Foton passenger van (CBM5060) sa isang checkpoint sa Barangay Pinagkurusan, Alitagtag.
Nang hinanapan ng mga pulis ng driver license si Zarate, wala ito maipakita, at napansin ng mga pulis ang isang kulay asul na tolda na nakatakip sa laman ng likuran ng van.
Hiniling ng mga otoridad kay Zarate na alisin ang nakakober na tolda upang makita ang laman ng van.
Dito tumambad ang malaking plastic sachet na naglalaman ng white crystalline (shabu).
Tinatayan nasa 2,000 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P13.3 billion ang kontrabando.
Nasa kustodiya ng Aligtagtag MPS si Zarate habang sumasailalim sa imbesigasyon at paghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs law of 2002).
Sa isinagawang presconference, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na ang nahuling mga droga, sa estimate ng PDEA, ay dalawang tonelada at ito’y nagkakahalaga ng P13.3 billion base sa standard drug price.
Aniya, sa initial screening test na isinagawa ng PDEA, ang nasamsam na droga ay positibo sa methamphetamine hydrochloride.
Tumanggi si Abalos na magbigay ng mga karagdagan impormasyon tungkol kay Zarate at kung saan dadalhin ang nasabat na kontrabando habang patuloy ang isinagawang imbestigasyon at follow-up operation.
Pinuri ni Abalos ang si Capt. Luis De Luna Chief ng Alitagtag Policse Station at inirekomenda niya sa pamunuan ng PNP na mabigyan ito ng spot promotion.
Pinasalamatan din ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang kabayanihan ng mga pulis ng Batangas sa pagkasabat sa toneladang shabu.(Mark Obleada/Koi Laura/Cris Ibon)