Advertisers
MAHIRAP paniwalaan na basta pumasok si Gongdi sa isang lihim na kasunduan kay Xi Jinping hinggil sa usapin ng West Philippine Sea. Wala nakaalam umano sa panig ng Filipinas tungkol sa kasunduan hanggang isiniwalat ito ng Embahada ng Tsina sa Maynila.
Ang pinakamasakit ay tinawag itong “gentlemen’s agreement” ng Tsina kahit na sa pakiwari ng maraming Filipino ay pinasok ito umano ni Gongdi na itinuturing na isang traydor, taksil sa bayan, at Makapili. Walang maginoo kay Gongdi at Xi, anila.
Hindi naipaliwanag ito ni Alan Peter Cayetano at Delfin Lorenzana kahit sila ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND). Hindi nagsalita si Bong Go at Bato dela Rosa kahit sila ang nakadikit kay Gongdi noong panahon na nagkaroon umano ng lihim na kasunduan.
Pagtataksil ba sa bayan ang lihim na kasunduan na pinasok ni Gongdi at Xi? Mukhang ganoon na nga ang nangyari. Nakakapagtaka ang nakakabinging katahimikan sa kampo ni Gongdi. Wala may gustong magsalita maliban kay Harry Roque, ang dating tagapagsalita ni Gongdi.
Hindi kinilala ni BBM ang kasunduan umano ni Gongdi at Xi. Nagigimbal si BBM sa kasunduan dahil may kalakip ito na maraming implikasyon. Maaaring lumabag sa Saligang Batas ng bansa ang kasunduan at ilagay sa panganib ang sambayanang Filipino.
“Hindi ko alam iyan,” ani BBM. “Kung mayroon man, ipinawawalang bisa ko iyan,” aniya. Tapos ang kuwento. Itinapon na ito sa basurahan ng kasaysayan.
Nakakapagtaka na nananatiling tahimik at walang pakialam si Cayetano at Lorenzana. Tahimik si Bong Go at Bato. Mas nakakapagtaka ang kawalan ng interes ni Francis Tolentino na buksan ng kanyang komite ang resolusyon na imbestigahan ang detalye ng lihim na kasunduan at ibunyag ito sa publiko kahit sino ang masaktan.
Nakakahiya sila dahil hindi nila mahal ang Filipinas. Mas binigyan nila ng proteksyon si Gongdi sa kanyang kataksilan sa bansa.
Ikinakatuwa ng sambayanang Filipino ang tagumpay na misyon ni BBM na pumunta sa Estados Unidos upang kausapin si U.S. President Jose Biden at Prime Minister Fumio Kishida ng bansang Japon at pagtibayin ang alyansa ng Filipinas, Estados Unidos, at Japon upang pigilin ang panggigipit ng Tsina sa rehiyon ng Silangang Asya.
Tagumpay rin si BBM na makuha ang komitment ni Biden na tutulong ang Estados Unidos sakaling maging lubhang maligalig ang Tsina at lupigin ang bansa sa isang hindi inaasahang digmaan. Magagamit ang US-Philippines Mutual Defense Treaty ng 1951 sakaling guluhin ng Tsina ang Filipinas. Maliwanag na iyan.
Kilalanin ang ambag ni BBM sa paglilinaw at pagpapalakas ng alyansang militar ng Estados Unidos at Filipinas. Hindi makagalaw ang Tsina dahil sa kasunduan ni BBM at Biden. Hindi nila magawa ang kanilang gusto dahil nakaabang lang ang Estados Unidos.
***
PINAKAMAHIRAP seryosohin ang sinabi ni Gongdi na bahagi sa lihim na kasunduan nila ni Xi na panatilihin ang “status quo.” Hindi malinaw ang status quo. Walang laman na detalye ang status quo ni Gongdi.
May sariling kahulugan ang Tsina sa katagang status quo. Ito ang magtayo ng military outpost, airstrip, at communication facilities sa mga kinamkam na isla sa loob ng West Philippine Sea. Kasama ang pagkuha ng yamang dagat at pagpapalawak ng kanilang kinamkam na teritoryo sa ating exclusive economic zone. (EEZ).
Sa atin, ang status quo ay manatili ang ating tagumpay sa 2016 hatol ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Laws of the Seas (UNCLOS). Kailangan manatili ang malayang paglalayag sa South China Sea dahil hindi ito pag-aari ng Tsina. Pag-aari ito ng sangkatauhan.
***
MAY inilabas na opisyal na pahayag si National Security Adviser Eduardo Ano noong Sabado:
The persistent discourse about alleged, unsubstantiated or imaginary promises; of secret non-binding gentleman agreement or deals has been used to create distractions, divisions, and conflict among our people.
The President has been very clear: This administration is not aware of any secret or gentleman agreement and if there was such done under a previous administration, the same has been rescinded.
Moreover, any such agreement, if proven to be true, are inimical to the national interest and the Constitution. If there is any such agreement, it is the responsibility of those responsible for it to explain it before the Filipino people but it is not and will never be binding upon this administration.
We call on all Filipinos to stand their ground and push back against these malign and corrosive narratives that seek to undermine the national interest. We should not fall into a trap which clearly seeks to sow division in our country and weaken our resolve in asserting our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Propagandists: Japan had Tokyo Rose. Vietnam had Hanoi Hannah. China now has Shanghai Sara.” – Joel Cochico, netizen
“Ayaw daw ni Digong ang gera pero bumili ng Brahmos missiles na magpapainit ng tensyon sa WPS” – Manny Mogato, netizen, mamamahayag
“The world sees through the lies of the Chinese Communist Party. Their dream is to rule Asia. Then the world.” – Bob Blues Magoos, netizen
***
Email:bootsfra@gmail.com