Summer job para sa mga estudyante at OSYs sa pamamagitan ng SPES inanunsyo ni Mayor Honey
Advertisers
INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na ang city government ng Manila ay inaanyayahan ang mga estudyante at mga out-of-schoolyouths (OSYs) na naghahanap ng summer jobs na subukan ang kanilang swerte sa pamamagitan ng Special Program for Employment of Students (SPES) na pinapangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO).
Sinabi ni Lacuna na may kabuuang 153 job opportunities sa ilalim ng SPES, at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR), Mcdonald’s Philippines at ng Manila-PESO na pinamumunuan ni Fernan Bermejo.
Ayon kay Bermejo, ang mga interesado ay dapat mag- register muna sa https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeHH6Ctd1Sd0_EN2UTt7yuPEFw5nkMRrDS9np0ulGB5ukmuGA/viewform.
Mula dito naghihintay ng tawag ang applicant mula sa online facilitator para kumpirmahin ang kanilang application.
Pagkatapos nito, sinabi ni Bermejo na ang mga sumusunod na documentary requirements ang kailangang ihanda : photocopy of Birth Certificate or any document indicating date of birth or age (must be 15-29 years old) at photocopy ng latest Income Tax Return (ITR) of parents/legal guardian o certification na mula sa BIR na ang parents/guardians ay exempted sa pagbabayad ng tax o original Certificate of Indigence o original Certificate of Low Income na inisyu ng Barangay/DSWD o CSWD kung saan nakatira ang applicant.
Bilang karagdagang requirements, ang student-applicants ay kailangang magdala rin ng mga sumusunod: photocopy of proof of average passing grade such as Class card or Form 138 of the previous semester or year immediately preceding the application or the original copy of Certification by the School Registrar as to passing grade immediately preceding semester/year, kung di pa available ang grades.
Para sa out-of-school youths, kailangan din nilang magdala ng original copy of Certification as OSY na inisyu ng SWD/CSWD o ng authorized Barangay Official kung saan nakatira ang OSY
Sinabi ni Berrmejo na tanging ang mga kumpleto lang ang requirements ang ipa- processed.
Ang SPES ay programa na sinimulan ng DOLE…” which aims to provide employment opportunities to students who want to earn money during their summer vacation.”
Ang provision para sa summer jobs sa mahihirap pero deserving students ay alinsunod sa – Republic Act No. 109171 and Republic Act No. 7323. (ANDI GARCIA)