Advertisers

Advertisers

Depot ng Wilcon sa Bulacan, nasunog

0 18

Advertisers

Binalot ng maitim at makapal na usok ang likurang bahagi ng bodegang ito sa bahagi ng Drt Hi-Way Brgy, Tarcan Baliwag City.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office nagsimula ang sunog 11:30 umaga ng Abril 23, 2024.

Dahil sa tindi ng apoy sa loob ng depot, agad itong itinaas sa ika-apat na alarma, kung saan pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa mga light materials at furniture na nasa loob ng depot.



Kinailangan pang gumamit ng oxygen ng ilang mga fire marshall, upang mapasok ang loob ng bodega, sa tindi ng init lumambot at bumagsak mga bakal ng buong bubong ng bodega.

Nagtulong-tulong na ang lahat ng fire truck sa Bulacan, habang tumulong rin ang firetruck mula sa Quezon City, San Juan City at karatig probinsya maging ang mga pribadong kumpanya na may firetruck at tumulong na rin.

Dahil sa sunog hindi muna pwedeng dumaan ang mga motorista na patungo ng southbound, sa halip nag-detour na lamang sila sa bypass ng Pulilan.

Habang ang mga motorista na patungo sa southbound pinayagan makadaan sa lugar.

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, tuloy pa rin ang pag-apula ng mga bumbero sa nabangit na sunog.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">