Advertisers

Advertisers

Wanted: Unggoy sumalakay, nangagat ng buntis, bata at 4 pa

0 361

Advertisers

Wanted ngayon ang mga unggoy na may lahing long-tailed macaque nang atakihin ng mga ito ang anim katao na kinabibilangan ng isang buntis at isang bata sa Isabela, Basilan.
Sa ulat, unang pinagkakagat ng mga unggoy ang apat katao sa Barangay Aguada noong Sabado.
Nang sumunod na araw, isang bata naman ang kinagat ng unggoy sa Barangay Riverside, at ang buntis naman sa Barangay Menzi.
Blangko parin ang mga awtoridad kung ilang unggoy ang umatake sa mga biktima. Pero dalawang unggoy na ang kanilang nahuli at agad nilang dinala sa city forest park.
Napag-alaman na nahuli na pala noon ang isang unggoy dahil may nakatali pang kadena sa katawan nito nang madakip ng mga awtoridad.
Agad namang nilapatan ng lunas, partikular ng anti-rabies, ang mga biktima para gumaling ang kanilang mga sugat na kagagawan ng mga unggoy.
Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa nabanggit na mga barangay na huwag nilang bigyan ng pagkain ang mga unggoy at huwag din nilang saktan ang mga ito dahil baka sila naman ang hulihin at ikulong dahil labag ito sa batas.