Advertisers

Advertisers

P4-B pinsala ni ‘Ulysses’ sa bansa – DA

0 246

Advertisers

UMABOTna sa P4 bilyon ang kabuuang pinsala ng bagyong Ulysses sa ilang rehiyon sa bansa, pagtaya ng Department of Agriculture (DA) hanggang 5:00 ng hapon nitong Huwebes.
Sinabi ni DA Spokesman, Asec.Noel Reyes, sa virtual media forum ng National Press Club (NPC) na malubhang nasalanta ng pagbaha ang 6 rehiyon kabilang ang Ilocos region, Cagayan Valley, CALARAZON, Bicol, Central Luzon at Cordillera.
Tuloy-tuloy naman, aniya, ang pamamahagi ng ayuda sa mga rehiyong naapektuhan ng malawakang pagbaha, kungsaan nakapamahagi na ang DAR ng higit 2 bilyong halaga ng bigas, fertilizers, seeds, poultry, livestock at iba pang supplements para sa farmers at mangingisda.
Maliban dito, mayroon ding P1 bilyon insurance coverage para sa mga magsasaka at mangingisda.
Mayroon ding rehabilitation ang emergency loan na i-aalok ang DAR sa farmers at fishermen na aabot sa P2.5 bilyon na sure aid para sa Covid-19 financial program ng DA Agricultural Credit and Policy Council (DA-ACPC).
Ayon pa kay Asec Reyes, nakapaloob sa P2.5 bilyon pondo ang P25 libo para sa bawat magsasaka at mangingisda bilang panimula ng kanilang livelihood.
Kailangan lamang aniyang magpakita ng business plan at endorsement mula sa kanilang barangay na patunay na kabilang sila sa mga nasalanta ng bagyo.
Ito umano ay 10 years to pay ng walang collateral at zero interest.
Paglilinaw ni Asec Reyes na tanging ang mga apektado ng matinding pagbaha ang mabibigyan ng ayuda.
Nilinaw din ni Asec Reyes na mayroon pang hiwalay na P5 libong assistance na para lamang sa rice farmers na binibigay sa buong bansa na mga apektado ng malubhang pagbaha bukod pa sa P25 libo na muling ipapamahagi.
Ayon kay Asec. Reyes, nasa 102,500 libong magsasaka at fisher folks ang napektuhan sa anim na rehiyon. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">