Advertisers

Advertisers

Ika-164 Malasakit Center binuksan sa SOCCSKSARGEN General Hospital

0 4

Advertisers

Isang makabuluhang pag-unlad ng healthcare access sa bansa, pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang inagurasyon ng ika-164 Malasakit Center sa SOCCSKSARGEN General Hospital sa Surallah, South Cotabato noong Huwebes.

Ang okasyon ay bahagi ng pagsisikap ni Sen. Go na pabilisin ang pagbibigay ng tulong- medikal sa mga mahihirap na Pilipino.

Ang iba pang Malasakit Center na matatagpuan sa rehiyon ay nasa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City at Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City.



“Congratulations po sa ating SOCCSKSARGEN General Hospital sa inyong bagong Malasakit Center. Ito na po ‘yung 164th na Malasakit Center sa buong Pilipinas. 43 na po sa Mindanao, 91 sa Luzon, 30 po sa Visayas. One-stop shop po ito, para po ito sa Pilipino,” sabi ni Go.

Ang programang Malasakit Center, na pinasimulan ni Go noong 2018 ay idinisenyo upang mabawasan ang pasanin ng mga pasyente sa kanilang gastusin sa ospital. Pinagsama-sama sa iisang bubong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kinabibilangan ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Na-institutionalize sa pamamagitan ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act, pangunahin itong itinaguyod at isinulat ni Go noong 2019. Ang inspirasyon sa likod ng Malasakit Centers ay nag-ugat sa mga naobserbasyon ni Go na paghihirap ng mga pasyente kapag sila ay nangangailangan ng tulong ng gobyerno para sa mga serbisyong medikal

Mula nang mabuo ang programa, mahigit sa 10 milyong Pilipino na ang natulungan nito, patunay na malawak ang naging epekto nito sa buong bansa.

Ang paglulunsad ng ika-164 Malasakit ay ikinagalat ng mga residente at ng mga lokal na opisyal, kabilang sina Congressman Peter Miguel, Vice Governor Arthur “Dodo” Pingoy, Mayor Pedro Matinong Jr., at Vice Mayor Antonio Bendita.



Samantala, namigay rin si Go ng rice packs at grocery packs sa mga hospital worker, mga pasyente at barangay health workers na dumalo.

“Unahin po natin palagi ang mga mahihirap nating kababayan. Yung mga helpless, mga hopeless na walang ibang matakbuhan kundi tayo dito na nasa gobyerno. Tulungan po natin sila,” giit ni Go.

Tinulungan din ni Go ang mga displaced workers sa Surallah at Banga nang araw ding iyon.