Advertisers

Advertisers

Ex-Chairman, 2 pa pinatay habang nag-iinuman

0 271

Advertisers

Patay ang tatlong magkakaibigan nang pagbabarilin habang nag-iinuman noong Huwebes ng gabi sa Barangay Del Rosario sa Tiaong, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina dating Barangay Del Rosario captain Richard Nitro, Jay-Ar Javillo, at Selvino Macaraig.
Sa ulat, 9:00 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa may isang tindahan ng goto sa barangay.
Ayon sa report, nag-iinuman ang mga biktima nang bigla na lamang umanong dumating ang dalawang lalaking may mga mahahabang baril at pinagbabaril ang magkakaibigan.
Sa ulat, sa Maynila umano naglalagi si Macaraig at umuwi lang ito sa naturang lugar upang bisitahin ang mga puno ng saging na sinira ng bagyong Ulysses.
Ayon sa hepe ng Tiaong Municipal Police Station, maaring paghihiganti kay dating kapitan Richard Nitro ang nakikita nilang motibo sa pamamaril.
Tukoy na raw nila ang nasa likod ng pamamaril. Nagsasagawa na ng manhunt operation laban sa mga salarin.(PFT team)