Advertisers
Patay ang isang nurse at guro nang magulungan ng truck habang sakay sa motorsiklo sa Negros Occidental.
Kinilala ang mga namatay na sina John Paul Ladrillo, 30, nurse sa Cadiz District Hospital; at John Eurich Depasupil, guro sa Vicente Patricio Memorial Elementary School sa Barangay Magsaysay, Cadiz City.
Hawak na ng pulisya ang driver ng truck na kinilalang si Mario Bendevel ng Barangay Malasibog, Escalante City.
Sa report, naganap ang insidente hapon ng Nobyembre 20, sa kalsadang sakop ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, minamaneho ng nurse ang kanyang motorsiklo angkas ang guro nang bigla na lamang silang mag-overtake sa 14 wheeler truck.
Subali’t nawalan ng kontrol sa manibela si Ladrillo dahilan para sumemplang at nagulungan sila ng kasunod na truck na minamaneho ni Bendevel na may mga kargang tubo.
Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban sa driver ng truck.(PFT team)