Advertisers

Advertisers

Lalaking nag-bomb joke sa Davao International Airport arestado

0 6

Advertisers

Arestado ang 42-anyos na lalaki nang magbitaw ng isang bomb joke sa Davao International Airport sa Davao City.

Naaresto ang naturang lalaki ng PNP Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) na sasakay na sana sa kanyang flight papuntang Singapore.

Nang tanungin ang pasahero ng mga tauhan ng Customer Service Agents (CSAs) ng Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. (PAGSS) sa check-in counter, nagbiro siya na wala umanong “fragile” sa loob ng kanyang bag ngunit may isang bomba lamang.



Matapos ang pagbibiro nito, agad na inaresto ang nasabing pasahero ng Davao International Airport Police Station (DIAPS).

“Subsequently, airport authorities effected an arrest on the suspect while informing him of the nature of the offense made and his constitutional rights in a language he understands, utilizing an alternative recording device,” saad ng PNP Aviation Security Group.

Dinala ang lalaki sa Sasa Police Station para sa pansamantalang pagkulong at kinasuhan ng paglabag sa PD 1727 o ang malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon o ang sadyang paggawa ng anumang pagbabanta tungkol sa mga bomba, pampasabog o anumang katulad na kagamitan o paraan ng pagsira.

“The PNP AVSEGROUP will never allow lawbreakers to succeed in their attempt to interrupt airport operations. Rest assured that we will firmly enforce the law to its fullest extent,” anang PNP Aviation Security Group director na si Brigadier General Christopher Abrahano.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">