Advertisers
MULING lalagari sa mga kakalsadahan ang mga motorcycle taxis nang payagan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbabalik-biyahe ng mga ito sa araw ng Lunes, Nobyembre 23.
Alinsunod sa mandato. ni Department of Transportation( DOTr) Secretary Arthur Tugade ang kanilang pagbabalik-kalsada.
Panawagan ng LTO na dapat sumunod ang mga motorcycle taxi na kinabibilangan ng Angkas, Joy Ride at Move It sa panuntunan mula sa Inter-Agency Task Force (IATF), National Task Force (NTF) COVID19.
Nakipagpulong na rin ang nasabing mga motorcycle taxis sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), PNP Highway Patrol Group at Inter-Agency Council for Traffic.
Ilan sa mga panuntunan ay ang pagdadala na ng sariling helmet ng mga pasahero at ang pagkakaroon ng cashless payments para maiwaasan ang hawaan.
Matatandaan na mula pa noong Marso ay natigil ang pamamasada ng mga motorcycle taxis dahil sa coronavirus pandemic. (Josephine Patricio)