Advertisers

Advertisers

2 magsasaka todas sa pamamaril

0 2

Advertisers

Nasawi sa pamamaril ang dalawang magsasaka sa mga bayan ng Sariaya at Tiaong, sa lalawigan ng Quezon, nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Joseph, 33, ng Barangay Cabay, Tiaong; at Reynaldo, 50, ng Barangay Lutucan Malabag, Sariaya.

Naglalakad si Joseph nang biglang sumulpot ang isang lalaki at pagbabarilin siya. Agad na binawian ng buhay ang biktima mula sa ilang tama ng bala. Narekober sa lugar ang live bullet at tatlong pinaputok na caliber .45 cartridges.



Samantala, pauwi na si Reynaldo nang ratratin ng gunman ng bala ang kanyang katawan. Dead on the spot mula sa mga tama ng bala ang biktima.

Nakatakas ang mga salarin na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad.