Advertisers

Advertisers

Duterte inalis na ang deployment ban sa mga medical workers

0 243

Advertisers

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa deployment ban ng mga healthcare workers para makapagtrabaho sa abroad.
advertisement
Kinumpirma ito ni Labor Sec.Silvestre Bello III sa gitna ng panawagan ng mga nurse at iba pang medical workers na bawiin na ang deployment ban para makaalis na sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bello, bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at gumaganda na ang kondisyon kaya wala ng problema sa gobyerno kung aalis ang mga health workers na gustong mag-abroad.
Subalit inihayag ng kalihim na para matiyak na may sapat pa ring health professionals sa paglaban sa COVID-19 pandemic, 5,000 healthcare workers lamang ang papayagang makaalis kada taon. (Vanz Fernandez)