Advertisers

Advertisers

Carnapper/murderer patay sa engkuwentro

0 220

Advertisers

TODAS ang isang carnapper at murder suspect nang makaengkuwentro ng mga awtoridad sa Davao City nitong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Mossanip Rabbam Jumdaine, 20-anyos.
Sa ulat, lulan ng motorsiklong walang plaka si Jumdaine nang umiwas sa routinary police visibility sa Bangkal, Davao City.
Nagpaputok umano ng baril si Jumdaine nang habulin ng mga awtoridad kaya nagkaroon ng engkuwentro.
Napag-alaman ng mga awtoridad na carnapped vehicle ang sinakyang motorsiklo ni Jumdaine.
Ayon sa ulat, nakuha kay Jumdaine ang isang homemade .38 caliber revolver, pakete ng shabu at motorsiklong ninakaw gabi ng Biyernes sa Relief Bridge.
Ayon sa Talomo Police, sangkot si Jumdaine sa brutal na pagpatay sa sales clerk na si John Lester Quirog sa Ulas bridge noong Marso 16.
Nahaharap din sa kasong carnapping si Jumdaine kaugnay sa insidenteng nangyari noong Nobyembre 15. Sangkot din siya sa serye ng pagnanakaw at akyat-bahay sa Barangay Talomo.