Advertisers
MAY bagong pangkalahatang lider ang mga kapustahan (police tong collector) sa buong Luzon. Ito ay ang nagpapakilalang isang alyas Tata Boy na ang ipinangangahas sa pangingikil, “pambabalukol” ng protection money sa mga ilegalista tulad ng mga operator ng buriki (petroleum pilferage), colorum van, illegal terminal, vices at iba pang labag sa batas na pinagkakakitaan ay ang pangalan ng kauupong Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, MGen. Leo “Paco” Francisco at iba pang mga high ranking PNP official.
Baka sakaling hindi pa naman alam ni MGen. Francisco, ratsada na protection racket nina Tata Boy sa Region 4A CALABARZON area. Pansamantalang grounded ang dati ay matunog ang pangalan na “kapustahang” si alyas Magsino ng Sto. Tomas City, Batangas, matapos na masalang ito sa init. Pinoprotektahan ito ng isang Batangas based police officer sa bayan ng Lemery, kinukupkop at ginagamit pang tong collector sa mga bayan ng Unang Distrito ng lalawigan.
Kaya kahit grounded ay hindi din nawalan ng diskarte si Magsino, gamit itong “kapustahan” sa mga gambling con drug lord na si alyas Ricalde, ang maintainner ng Small town lottery (STL) bookies sa 30 barangay ng bayan ni Mayor Ian Kenneth Alilio. Si alyas Ricalde din ang komokopo ng STL bookies at bentahan ng shabu sa bayan ni San Luis Mayor Oscarlito Hernandez. May operasyon pa ito ng STL bookies con droga sa mga lalawigan ng Rizal at Laguna.
Si Magsino din ang umoorbit sa puesto pijo sugalan ni alyas Jessica sa Brgy. Nonong Casto, mga pergalan (perya na pulos sugalan) ni alyas Malou sa Brgy. Mataas na Bayan, parehong sa bayan ng Lemery, mga munisipalidad ng Tuy at Lian ng mag-among Onad at alyas Ka Rody, pa-bookies ni Willy Bokbok sa 42 barangay ni Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon at 20 saklaan doon na pinapopostehan ni Bokbok sa kanyang mga alipores na sina Atan, Marcelo, Garry, Aries at isang alyas Sgt. Ilaw.
Tulad ng nakagawian na ng kapo-promote na at new Nasugbu Police Chief na si Maj. Nemecio Calipjo Jr., dedma ito sa katarantaduhan ni Bokbok na nagpapakilala pang bagman nina Mayor Barcelon at 1st District Rep. Eric Buhain? Nagtataka din ang ating mga KASIKRETA pagkat saan man ito maitalagang police chief ay hinahabol ng mga ilegalista ?
Samantala pinasabihan na ni Tata Boy ang lahat ng elementong kriminal sa CALABARZON, katunayan sa mensahe nito sa mga buriki, STL bookies, pergalan, colorum van at illegal terminal operator sa rehiyon ay ibinida nito ang mga sumusunod: Sa ating mga kapustahan, hindi na muna namin padadamputin si Magsino habang mainit pa. Rekta na kayong magpaparating sa akin ng sa inyong lingguhang obligasyon para sa pangalan ng pinakamataas sa CIDG, alam na nyo kung sino iyon at para sa RD, lahat na mga provincial commander at mga hepe kung saan kayo ay may pangkabuhayan.
Ang atin pong kapustahan ngayon ay sina alyas Sgt. Adlawan, Gaston, alyas Capt Lloyd o Dave, alyas Sgt. Sandoval, Jeff, Sgt. Calingasan at Sgt. Ilaw ng Batangas, alyas Sgt. Panganiban, Richard, Arguelles at Jamie ng Quezon, alyas Joseph at Jack ng Laguna, Chard Miravillas ng Cavite, Richard, Sgt. Jun2 Cruz , Sgt. Marcial, Davalos, Barroga at Tata Rudy ng Rizal.
May mga reklamo ng ipinarating sa tanggapan ng Batangas Sangguniang Panlungsod Presiding Officer, Vice Mayor Atty. Alyssa Renee A. Cruz hinggil sa mapanganib na operasyon ng burikian nina alyas Buloy sa Batangas Port Zone Brgy. Sta Clara, Batangas City kung saan nag-ooperate din ng higit pa 500 colorum van at illegal terminal sa parking area ng Philippine Port Authority (PPA) at maging ng burikian nina Baldo, Dennis at isang barangay chairman sa nasasakupan ni Sanpaga Brgy. Chairman Banaag ngunit wala pang aksyon ang kapulungan.
Ngunit duda ng mga residente ng lungsod ay di maaksyunan ito ng Batangas City SP dahil sa impluwensya ng mga armadong buriki/paihi operator idagdag pa ang proteksyon sa mga ito ng ng kapustahang pinamumunuan ni Tata Boy na maging pangalan nina CIDG Dir. MGen. Francisco, PNP Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas, Batangas PNP Provincial Director Samson Belmonte at City Police Chief Lt Col. Jephte F. Banderado ay kinakaladkad sa pangingikil ng lingguhang tongpats. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144