Advertisers
Advertisers
Advertisers
MAITUTURING na trabaho ng isang demonyo ang ginawa ng tiyuhin sa kanyang pitong taon gulang na pamangin nang kanya itong pagsamantalahan sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director BGen. Val De Leon, kinilala ang “demonyong” salarin na si alyas Jefferson, 33, residente ng Barangay San Rafael IV sa nabangit na lungsod.
Habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Ella”, isang kindergarten student,ng Brgy. Gumaoc Central.
Nangyari ang insidente 10:00 ng gabi ng Huwebes, Nobyembre19, sa Brgy. San Rafael IV.
Sa ulat, nagising mula sa mahimbing na pagtulog ang biktima dahil sa dahan-dahan umanong tinatanggal ng amain ang kanyang saplot at binabantaan na papayin kapag nag-ingay. Nagtagumpay ang demonyo sa pagwasak sa pagkababae ng pamangkin.
Nabatid na una nang nakita ng nakatatandang kapatid ng biktima ang mga kalaswaang ginagawa ng tiyuhin.
Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang lola na humingi naman ng tulong sa Barangay Tanod kaya naaresto ang salarin. (Thony D. Arcenal)