Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
INANUNSYO na ang mga personalidad na magtutunggali sa Star Magic All Star Games na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Hunyo 2.
Siyempre, nakatakdang maglaro ng basketball sa koponan ng Shooting Stars Red sina Gerald Anderson at RK Bagatsing.
Kasama nila sa team sina Paolo Gumabao, Miko Raval, Jeremiah Lisbo, Tristan Ramirez, Elyson de Dios, Argel Saycon, Lance Carr, Young JV at Ashton Salvador.
Isang malaking hamon sa kanila ang bawiin ang trono sa Team “It’s Showtime” na nanalo last year.
Ang Team It’s Showtime ay pinamumunuan nina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Mga miyembro rin nila sina Ion Perez, Ronnie Alonte, JC de Vera, Eruption, Ryan Bang, Wendell Ramos, Nyoy Volante, Kid Yambao, Vito Marquez, Polo Laurel at Derrick Hubalde.
Ang Team Shooting Stars Blue na pinangungunahan nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte ay makaka-head on naman ang Cong’s Anbilibabol team ni Coach Cong.
Kasama nila sa team sina Seth Fedelin, Joao Constancia at ibang Star Magic artists tulad nina Mikki Claver, Kobie Brown, LA Santos, Dustine Mayores, Jimmy Nocon, River Joseph, Isaiah dela Cruz at Tan Roncal.
Sa kategorya naman ng volleyball ay inaasahang magrambulan sina Loisa Andalio at Anji Salvacion.
Kakatawanin ni Loisa ang Lady Spikers na kinabibilangan nina Vivoree, Nikki Valdez, Gillian Vicencio, Ai dela Cruz, Angela Ken, Analain Salvador, DJ Jhaiho, Thamara Alexandria at Leona Andalio.
Guest professional players naman nila sina Celine Domingo at Gel Cayuna.
Ang katunggali naman nilang Lady Setters kung saan kasama si Anji ay lalahukan ng iba pang Star Magic artists tulad nina Mikha Lim, Aya Fernandez, Reign Parani, Brenda Mage, Krystyl Ball, Sela Guia, Moira Lacambra, Isabel Laohoo, Janah Zaplan at Nicole San Juan.
Magpapatingkad din sa koponan nila ang guest professional volleyball players na sina Fifi Sharma at Dani Ravena.
***
VIRAL ang makabagbag-damdaming post ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang sulat, nagbigay siya ng mensahe sa kanyang baby na tinawag niyang “FrancisKo”.
Hindi malinaw kung nakunan ba siya o nawala ang baby through surrogate means.
Gayunpaman, kahit naunsyami raw ang kanyang pagiging ganap na ina, nagpapasalamat pa rin siya na naramdaman niya ang pagmamahal ng kanyang baby.
Binati rin niya ang mga ina, fur moms at tumatayong ina sa kanilang mga kaibigan sa espesyal na okasyon ng Mother’s Day.
Ito ang teksto ng kanyang post
“A few days ago our baby boy’s heart stopped beating… this will be our 4th angel. And although this could be one of my biggest heartbreaks… Thank you for still trying to be with me and for making me feel so much love already. Love and hope this world could never give. I love you, “francisKo.” I shall keep my heart intact while you find your way back to us. To all the mothers, fur moms, mothers to friends, thank you for your heart and all the women like me… going through the same struggle … Happy Mother’s Day (FrancisKo, my francis I love you, anak)”
Marami naman ang nakisimpatiya sa pagkaunsyami niyang magkaroon ng baby.
Matatandaang ilang beses na ring naudlot ang pagiging ina niya dahil ilang beses na rin siyang nagkaroon ng miscarriage.