Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MULING naging pulutan sa Vlog ni Ogie Diaz at mga kasama nito na sumentro kina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Ayon sa tsika, madalas daw na nakikita si Alden na dumadalaw sa bahay ni Kathryn.
Kahit nga mga gardener ay kilala na raw si Alden at mga kasama sa bahay ni Kathryn.
Super magiliw daw si Alden kaya happy ang lahat pag nandun ang Pambansang Bae.
Hudyat nga na tuloy na ang sequel ng Hello Love Goodbye nina Kathryn at Alden.
Pero may nakapansin na tila driving instructor si Alden ni Kath.
Marami raw nakyutan sa ginagawang pagda-driving instructor ni Alden sa Kapamilya actress.
Okey naman daw dahil pareho silang walang commitment at may mga netizen na sumisigaw na bagay ang dalawa
At ang kuwento naman ‘yan ay ayun ulit sa source ni Ogie sa kanilang Vlog.
***
Heart nakaranas ng lungkot at kabiguan
SA IG post ni Heart Evangelista ay nagbahagi ito ng isang sulat para sana sa kanyang baby boy na si FrancisKo.
Nitong May 12, Mothers Day ay ibinalita ni Heart na sa ika-apat na pagkakataon na pagbubuntis ito ay nabigo na naman na isilang ang anak sana nila ni Chiz Escudero.
Sa pagbabahagi ng liham ni Heart para sa magiging anak sana nila ni Chiz na nalungkot itong malamang nawala ang tibok ng puso ng sanggol sa sinapupunan ni Heart.
Kaya itinuring nitong biggest heartbreak sa kanilang mag asawa ang ika-apat na miscarriage.
Sayang naman daw ang lahi nina Heart at Chiz kung walang magiging bunga.
Well, well, well…Yun na!