Advertisers
BINARIL at pinagnakawan ang isang lotto operator nitong Martes sa Imus City, Cavite.
Iniulat ng pulisya ng Rehiyon 4A na si Anthony Carrasco at ang kaniyang live-in partner na si ‘Margarita Joy’ ay naglalakad patungo sa kanilang sasakyan nang bumisita sa kanilang lotto outlet sa Brgy. Malagasang 2-F.
Pagkasakay palang sa kanilang sasakyan, isang lalaki na armado ng baril ang biglang sumakay sa kanilang sasakyan at nagdeklara ng hold-up.
Tinangay ng suspek ang P12,000 at pinagbabaril si Carrasco.
Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya sa krimen.