Advertisers
NAKATAKAS sa mga awtoridad ang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa kasong kidnapping at arson, pero 10 sa kanyang mga kasabwat ang nadakip sa operasyon ng pulisya sa Barangay Macaguiling, Maguindanao Norte, Lunes ng hapon, Mayo 13.
Sinabi ni Lt. Colonel Ariel Huesca, regional head ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR), nagawang makatakas ni Musa Alamada alyas “Commander Paradise” sa pamamagitan ng pagdakip sa isang bata na ginamit niya bilang human shield.
“Ginamit niya ang bata bilang human shield habang siya ay patakas patungo sa likurang bahagi ng isang mosque,” sabi ni Huesca.
Nakuhanan naman ng matataas na kalibre ng baril ang naarestong 10 kasabwat ni Alamada.
May P1.2 milyong pabuya sa ulo si Alamada.