Advertisers
NAKAPAGTALA ng 10,957 recoveries ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Nobyembre 22, dahilan para umabot na sa kabuuang 386,486 ang kabuuang gumaling sa covid-19 sa bansa.
Karagdagang 1,968 naman ang naitalang bagong kaso sanhi para maging 418,818 na ang kabuuan ng Covid-19 case sa bansa.
Ang deaths naman ay nadagdagan pa ng 43 kung saan umabot na sa 8,123 ang mga namamatay sa naturang sakit.
Sa ngayon, nasa 24,209 na lamang ang mga aktibong kaso kung saan nasa 90.8% ang mild at asymptomatic.
Kabilang sa mga probinsya at siyudad na nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ngayong araw ang Cavite, 107; Quezon City, 97; Davao City, 86; Laguna,84; at Quezon 77. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)