Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAYA raw napakuda na si Vice Ganda sa Madlang Pipol at sinabi nito na marami silang pinagagawa.
Inisa isa ng komedyante ang mga pinagagawa ng Madlang Pipol sa kanya tulad ng Asoka challenge.
Piliin ang Pilipinas challenge at idinagdag pa ng Madlang Pipol at inuudyukan ang TV Host Comedian na magdemanda na rin.
Aba, baka ma-provoke si Vice na magdemanda ng Cyber Libel sa batikang kolumnista na si Cristy Fermin.
Dagdag pa si Vice sa koleksyon ni Cristy if ever maudyukan ng Madlang Pipol.
Una na nga nagdemanda kay Cristy ang ina ni Sarah Lahbati, sinundan ni Bea Alonzo at mag-asawang Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.
Pang apat na si Vice kapag na provoke ito sa udyok ng Madlang Pipol.
Handa naman daw harapin ni Cristy ang mga nagdemanda sa kanya kahit dumagdag pa si Vice.
Hmmmp, Abangan!
***
Luis ibinahagi ang pananaksak ng pencil ni Mommy Vilma
KAHIT nga pinipigilan ni Vilma Santos na huwag na sabihin ni Luis Manzano ang pagsaksak ng pencil ni Ate Vi di naman ito nakinig dahil ini-interview ito sa kabilang kuwarto.
Kaya ayun naitsika ni Luis na ang kanyang mommy nung bata pa raw ay laging abala sa pag aartista.
Kaya nung pumasok na ito sa school ay may nanunukso at nang aasar sa Star For All Season.
Sa buong klase ay pokus daw ang titig at tingin ni Ate Vi sa kaklaseng si Restituto.
Nung recess nga raw ay nakakuha ng tiyempo ang ina at sinaksak ng pencil si Restituto sa hita.
Well, well, well…’Yun na!