Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
MISMONG sa bibig ni Cristy Fermin nanggaling na tumataas ang level ng demandahan. May inaasahan ba ang Reyna Ng Demanda e Reyna Ng Intriga. mula sa nanay ni Sarah Lahbati, si mommy Esther ay dapat idemanda si Cristy dahil below the belt na raw ang tira nito.
Si Bea Alonzo ay matagal din pinag-isipang magdemanda ng cybel libel at sobrang atake raw sa pagkababae niya. Sey nito raw sa aktres, “matanda na, may kulubot sa mukha, tatandang dalaga at magsasara ang matris”. Puwera pa ang personal nitong atake sa aktres.
Sina dating senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ay itinuloy ang demanda para ipalam kay Cristy na limitado ang pagiging host sa radio, online broadcast at di dapat personal ang banat at hindi one side ang opinion.
Tumataas na ang level ng demandahan kung susundin ni meme Vice Ganda ang suhestiyon ng mga netizen na idemanda niya na rin si Cristy.
Maraming tinilad-tilad ni Cristy sa kanyang radio/online na amoy imburnal daw ang bibig ni Vice.
Tama si Cristy di naman dapat ikahiya ng kanyang mga anak ang demanda o cybel libel sa kanya. Kaysa raw sa idinemanda ka ng pagnanakaw, pagbubugaw o human trafficking
Pero sa edad ni Cristy, muling makikita ang senaryo na maaga siyang gigising para dumalo sa hearing, magastos dahil sa acceptance fee ng mga abogado at bayad sa hearing.
Oh di ba nuon ang dami niyang demanda dahil sa estafa.
Hay, ating subaybayan ang mga kasong kinakaharap ni Cristy.
***
SA darating na FAMAS awards night, malakas ang bulung bullungan na si Piolo Pascual ang magwawaging best actor dahil sa husay sa pag-arte sa pelikulang Mallari.
Pero nabahiran ito ng lungkot dahil inisnab ng screening committee ng Gawad Urian Manunuri na ma-nominate na best actor si Piolo.
Well, kilala ang Maninira este Manunuri sa mataas (oh mataas daw) kung sumuri ng pelikula.