Advertisers

Advertisers

Alaala ko kay Jim M. Fernandez, ang lumikha ng Zuma

0 38

Advertisers

Ni OGGIE MEDINA

BATA pa ako nakahiligan ko nang magbasa ng Pinoy komiks, lalo na iyong mga gawa ng tiyuhin ko, si Jim M. Fernandez, ang illustrator ng Darna at Captain Barbell ni Mars Ravelo at ang lumikha ng character na Zuma.

Sabi pa niya sa akin noong nabubuhay pa siya, sana’y maging manunulat daw ako.



Isa siya sa hinahangaan kahit pa tumira na siya at kanyang pamilya sa Canada. Iyong anak niya, si Jay na pinsan ko,  ang naiwan muna rito sa Pilipinas kaya nakadalo pa siya sa kasal ng kapatid ko. Si Jay ay sa Canada na naninirahan.

Nabatid ko na naging editor si Uncle Jim ng The Commerce Journal, The English Journal, at The UST Commerce Silver Jubilee Book noong siya’y estudyante sa UST. Naging certified public accountant pala siya.



Simula bata palang siya’y mahilig na siya mag-drawing ng pictures at magsulat ng mga kuwento. Nagbabasa na siya ng comics books ukol kina  Captain America, Green Lantern, Superman, Batman and Robin, Captain Marvel, at Wonder Woman. Una niyang pinakita ang mga sample ng drawings niya kay Tony Velasquez, ang Walt Disney ng Pilipinas. At namangha si Mr. Velasquez sa husay ni Uncle Jim. Nagsimula siya sa magasin ng Liwayway bilang illustrator. Di nagtagal, pinareha siya kay Mars Ravelo (si Jim bilang illustrator at si Mars bilang nobelista).

Noon 1963, siya’y naging co-founder ng CRAF Publications, ang publisher ng Redondo Komix at Alcala Fight Komix. Tinatag din niya ang  Real Publications, ang publisher ng Bolniks Komiks at Lindelmel Komiks. Noong 1965, bumalik si Uncle Jim sa Roces Publications, ang publisher ng  Pilipino KomiksHiwaga KomiksEspesyal Komiks, at Tagalog Klasiks.



Noong 1967,  si Uncle Jim ay nag-aral sa  Famous Artist School. Sabi sa isang anecdote: “It was during this period when Fernandez’s black-and-white rendition of Darna at ang Impakta was given an “A-rating” by B.Th. Closset, together with the comment ‘very good handling of pen and ink’.” Noong 1967, siya’y naging cartoonist sa pahayagang Manila Times. Siya ang lumikha ng cartoon Feathers.

Noon 1970s, nagsimula na siyang sumulat ng mga nobela. Ang una niyang nobela ay ang The Fighting Priest sa  Hiwaga Komiks. Ang iba pa niyang mga nobela ay ang: FaridaThe DormitoryThe GrandmasterNunal sa Balikat (“Mole on the Shoulders”), at Starex.

Noong 1973, mas binigyan niya ng pansin ang pagsusulat kaysa sa pagiging illustrator. Sabi sa isang artikulo: “Fernandez’s novels Halik sa Hangin (“Kiss in the Wind”) and Titang were illustrated by Hal Santiago; his The Astronaut and Mission: Jupiter were drawn by Mar. T. Santana; his Aztec was illustrated by Elmer Esquivias.”

Sabi pa sa nabasa kong artikulo: ‘”After working for Atlas Publications, Fernandez started illustrating for Graphic Arts Service, Inc. (GASI) in March 1976, where his novels Anak ni Zuma (Aliwan Komiks), The GorgonAstrobalThe CannibalJeric-the Boy from MarsPolarisVirgaBorbo, and Angkan ni Zuma (“Clan of Zuma”) appeared in print. (He) also authored the novels Kambal sa Uma (Kislap Magazine), Anak ni Kro (Affiliated Publications), Karpetina (Affiliated Publications), and Mulawina (Affiliated Publications), Uso pa ba ang Birhen (Liwayway), Tiza (Liwayway), Touchdown (Liwayway), and Anak ni Touchdown (“Touchdown’s Child”) (Liwayway), and Nazka (Rex Publications).”

Marami sa likha niya’y isinapelikula tulad ng Nunal sa BalikatFaridaThe DormitoryLife EverlastingKingpinBrutusKambal sa Uma, at Anak ni Zuma.

Kamakailan lang nalaman ko kay Jay Garcia Fernandez, anak ni Uncle Jim, na nakasulat pa pala siya ng huling nobela habang nasa Canada.

Plano ng tiyuhin ko (noong nabubuhay pa) at kapatid niya (si Federico M. Fernandez, CEO ng isang semi-conductor company) na ilathala ito. Marahil ito ang aabangan ng mga nakakakilala pa sa isang Jim M. Fernandez.