Advertisers
KINUMPIRMA ni Ireland – based Filipino triathlete Mike Gonda na handa na siyang sumabak sa 2024 VinFast World Ironman championship sa Nice, France sa Setyembre 22.
Tinapos ng tubong Mabini, Batangas ang 45-49 age category ng 32nd Club la Santa Ironman Lanzarote sa 12 hours,48 minutes at 38 seconds, na ginanap sa Canary Islands, Spain Linggo.
“It is nice back at it after my injury. I did register just to feel the distance again, but I still gave it my all. Happy to be back,” Wika ni Gonda sa liham na ipinadala sa Philippine News Agency sa pamamagitan ng kapwa runner, Alona Cochon.
Sinabi ni Cochon na si Gonda ay qualified sa 2023 World Ironman championship na ginanap rin sa Nice matapos lumapag sa fifth sa Ironman 70.3 Subic Bay Freeport Zone noong Hunyo nakaraang taon.
Gayunpaman, Gonda ay hindi nakalahok sa France matapos magtamo ng injury nang mahagip ng sasakyan ang kanyang bisikleta habang kumakarera sa Denmark Ironman, pinahiwatig ng organizer na bigyan siya ng automatic slot para sa world championship ngayong taon.
Simula 2017, Gonda ay sumabak kahit manlang 12 international ironman distances, kabilang ang 2019 Barcelona Ironman kung saan nerihestro nya ang kanyang personal rekord na 10.11.8.
Ironman ay isa sa series ng long-distance triathlon races na binubuo ng 3.9 kilometers swim,180.2 km bicycle ride at 42.2 km run.
Ang qualifying event para sa World Ironman championship, ang Lanzarote edition ay isa sa pinakamalakas at pinakamahabang karera sa Europe na may 8,130-feet mountainous bike course.
Kenneth Vandendriessche, ang winner sa 2022 mula Belgium, ay nabawi ang men’s division title sa oras na 8:29.54 habang si Anne Haug ng Germany sinukbet ang women’s category sa 9:06.40.