Advertisers

Advertisers

Grade 9 student tulak ng droga sa Cebu

0 2

Advertisers

Naaresto ang isang Grade 9 student nang makuhanan ng 12 pakete ng shabu.

Sa ulat, nakumpiska sa estudyante ang 12 pakete ng shabu na nasa walong gramo ang timbang at tinatayang nagkakahalaga ng P5,440, sa Sitio Bato, Barangay Ermita, Cebu City, noong Miyerkules, Mayo 22.

Isinalaysay naman daw sa pulisya ng 16-anyos na estudyanteng kinilala sa pangalang “Ran-ran” na napilitan lamang umano siyang magtinda ng ilegal na droga dahil sa hirap ng buhay.



Ginagamit umano ng estudyante ang kinikita niya mula sa mga transaksyon bilang pambili ng pagkain.

Nasa kustodiya na ng Women and Children’s Protection Desk of Carbon Police Station ang binata.

Inihayag ni Lieutenant Colonel Janette Rafter, deputy city director for administration ng Cebu City Police Office, na hiniling nila sa mga magulang ng estudyante ang birth certificate nito upang matukoy umano kung totoong menor de edad ito.

Kung sakaling hindi totoong menor de edad ang estudyante, maaari umano siyang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">