MATINDI as in malupit ang mag-asawang pulitikong ito pagdating sa sipsipan sa matataas na opisyal ng ating gobyerno.
Oo! Alam nila kung kelan sila sisipsip este kakapit at kung kelan bibitiw.
Mapapa-wow! ka talaga sa galawan ng mag-asawang ito.
Hindi naman natin masasabi kung sila ay mga balimbing dahil ang kanilang mga hakbang, anila: “Trabaho lang, walang personalan”.
Sa iba, ang tawag dyan ay “hunyango”. Kung ano ang kulay na makapitan, gayon din sila.
Walang loyalty, ika nga. Kungsaan may pakinabang, doon sila. Galawang trapo!
Ganito ang tirada ng mag-asawang Parañaque City Congressman Gus Tambunting at misis niyang si Joy na dati ring congresswoman ng lungsod.
Alam n’yo ba na si Cong. Gus ang naging susi para mabawi ng Kongreso ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI), ang broadcasting network ng Kingdom of Jesus Christ Church na pinapangunahan ni Pastor Apollo Quiboloy.
Bilang chairman ng House Committee on Legislative Franchises, si Tambunting ang nag-sponsor ng panukala sa Kamara de Representante para matanggalan ng prangkisa ang SMNI, kungsaan may programa si dating Pangulo Digong Duterte na “Gikan sa Masa, Para sa Masa’
Nagsimula lang naman uminit ang tumbong ng Kamara laban sa SMNI nang isa sa mga host ng isa sa mga programa nito ay nagsabing gumastos si Speaker Martin Romualdez ng P1.8 bilyong sa kanyang mga biyahe abroad noong 2023.
Bukod dito, umupak din sa kanyang programa si Digong para ipagtanggol ang anak na si Vice President at DepEd (Department of Education) Secretary “Inday” Sara nang tanggalin ng Kamara ang confidential funds ng kanyang mga tanggapan.
Sinabi ng dating Pangulo na ang Kamara “ang pinakabulok na ahensya ng gobyerno”.
Kaya para maka-pogi points at mapaligaya si Speaker, ipinasa ni Tambunting sa kanyang komite ang panukala na kanya mismong inisponsoran para matanggalan ng prangkisa ang SMNI.
Ang problema nga lang, mga pare’t mare, kung pogi siya kay Speaker ay “bad shot” naman siya sa mga Duterte.
Pero kampante lang si Cong. Gus, bakit? Eh ang misis n’yang si Joy ay “feeling close” kay VP Sara. Ganun!
Si Joy ang DepEd Office of the Secretary Central Office Manager? Yes!, ‘yan ang official title niya sa Cabinet Department na pinamamahalaan ni VP Sara.
“Feeling important” din si Joy dahil bilang office manager, minsan ay siya ang kumakatawan kay VP Sara sa mga event na imbitado ang DepEd.
Napakagaling ng mag-asawang ito, ano? Parehong nakakapit sa magkabilang pwersa. Lupit!
***
Obviously, nagsisinungaling si Bambam, Tarlac Mayor Alice Guo tungkol sa kanyang pagkatao.
Sa pagdinig sa Senado, nabuking na “fictitious” ang mga dokumento sa pagkatao ni Guo at ng kanyang mga magulang na Intsik.
Ang mga magulang ni Gou ay nabunyag na walang rekord sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sabi nga ng PSA, maaring kasuhan si Gou ng cancellation sa kanyang birth certificate.
Naungkat ang pagkatao ni mayor Gou nang mabunyag ang maraming Chinese na nag-aaral sa Tarlac at pagkakaroon ng POGO kungsaan itinuturo na siya ang nasa likod.
Matanggal kaya sa pagka-mayor si Gou? Abangan!