Advertisers
WALO katao ang sugatan, kabilang ang apat na nagtitinda ng puto, sa aksidenteng naganap sa Barangay Paulog Ligao City, Albay nitong Linggo.
Sa report, isang SUV ang umararo sa mga tindero na nakapwesto sa gilid ng kalsada.
Kinilala ang mga nasugatang nagtitinda na sina Estela Bercasio, 20; Honey Mae Menises, 20; Aldrin Menises, 22; at Juie Ann Bercasio, 16 anyos.
Maliban sa apat, sugatan din ang driver ng SUV na nakilalang si Joey Monasterial Pardines, 38, taga-Caloocan.
Sugatan din ang tatlong sakay ng SUV.
Sa ulat, bago inararo ng SUV ang pwesto ng mga nagtitinda ay nabangga nito ang isang nakaparadang sasakyan sa lugar.