Advertisers

Advertisers

2 HEPE NG PULISYA SA MAGUINDANAO DAWIT SA PAGPATAY SA POLICE CAPTAIN

0 11

Advertisers

DALAWANG hepe ng pulisya sa Maguindanao del Norte ang kabilang sa 11 pulís na iniimbestigahan kaugnay sa pagpatay kay Captain Rolando Moralde.

Si Moralde ang administrative officer ng Regional Mobile Force Battalion 14 sa ilalim ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR).

Ayon kay Colonel Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), hepe ng pulisya ng mga bayan ng Rajah Buayan at Matnog ang dalawang opisyal na suspek kasama narin ang kanilang mga administrative officer.

Sinabi pa ni Fajardo na sumasailalim na ang 11 pulis sa pre-charge investigation ng Regional Internal Affairs Service at PRO BAR.

Iniimbestigahan din ang biglang pagkawala ng tatlong pulís na kasama ni Moralde nang pagbabarilin ito, maging ang dalawang pulis na nakatalaga sa Parang Public Market, kungsaan naganáp ang krimén.

Bukod dito, hiniling narin ng PNP ang pagbitiw sa kaso ng prosecutor, na nag-utos sa pagpapalaya sa mga pangunahing suspek na sina Master Sgts. Aladdin Ramalan at Shariff Balading.

Pinaniniwalaan na kamag-anak ng dalawang pulis ang hindi na pinangalanang prosecutor.

Nakipagbarilan si Moralde sa isang Mohiden Untal na kanyang nasitá dahil sa daláng baril sa nabanggit na palengke noong Mayo 2.

Tumulong sa pagbaril sa kapitan ang limang kaanak ni Untal, kasama sa kanila sina Ramalan at Balading.