Advertisers

Advertisers

Ivana kumita ng P10-M sa ilang oras na live selling 

0 21

Advertisers

Ni JEROME M. ARELLANO

BONGGA naman talaga ang Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi.

Ibinunyag  kasi niya sa interview na kumita raw siya ng P10-Milyon sa loob lamang ng ilang oras na pagla-live selling.



Sey ni Ivana, nagla-live raw siya sa loob pa lang ng dalawang taon.

“Yung biggest revenue ay nasa eight digits sa loob lang ng ilang oras,” dagdag pa ng sexy actress.

Inihayag pa ni Ivana na dapat umano ay mahigit sa eight digits ang kikitain ng kanilang pamilya pero naubusan na anya sila ng ititinda.

“Dapat magna-nine digits pa nga pero naubusan na kami ng stocks so wala na kaming mabenta,” anya pa.

Pahayag pa ni Ivana na wala umano silang naging problema sa Tiktok at hindi raw sila nauubusan ng buyers kundi ang ititinda nila ang nauubos.



***

“Abot-Kamay Na Pangarap,” kinilala bilang TV Series of the Year!

MULI na namang nakatanggap ng pagkilala ang top-rating GMA medical drama series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (Afternoon) sa 5th Village Pipol’s Choice Awards. Personal namang tinanggap ni Sparkle artist Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year.

Gumaganap siya sa serye bilang si Reagan, isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Kamakailan lang, nakatanggap din ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards bilang Popular TV Program Daytime Drama. Kinilala rin ng award-giving body ang husay sa pag-arte nina Jillian at Richard Yap.