Advertisers
PATAY ang magkapatid nang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Leyte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Redford Rudilla at Rizalina Cañete.
Sa ulat, maghahapunan ang mga biktima kasama ang iba pa nilang kaanak nang pumasok ang salarin na naka-helmet at face mask.
Unang binaril ang tiyahin ng mga biktima na si Maria Theresa Teves na masu-werteng nakatakbo. Kasalukuyan na siyang nagpapagaling.
Sunod na binaril ang magkapatid na Redford at Rizalina. Dead on the spot si Rizalina habang dead on arrival sa ospital si Redford.
Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng salarin at ang motibo sa krimen.